naging maugong ang usap-usapan dahil sa patakaran ng kasalukuyang pangulo na ilipat ang araw ng bakasyon na dapat sana ay ngayon. hindi na ako sasali dyan. basta ang mahalaga ay maintindihan ng bawat pilipino kung ano ang nangyari noong ika-12 ng hunyo 1898 at bakit ito mahalaga sa ating kasaysayan. pwede naman nating gawin yon, ke me pasok ba o wala.
nakita ko ang YM status ng isa kong kaklase, at napaisip ako kung ano bang magandang OPM na kanta (kasi kadalasan ay titik ng kanta ang ginagawa kong status). naalala ko tuloy noong nag farewell concert kami sa glee club noong high school, kasi ang huling bahagi ay puro tagalog na kanta. at ito ang isa sa pinakapaborito namin na piyesa.
isang dugo, isang lahi, isang musika
nalito pa ako, kasi alam ko na hindi "isang dugo, isang lahi at musika" ang pamagat nito (kahit yon ang nasa loob ng kanta). ayon sa philmusicregistry.net, ito ay nilikha ni dodjie simon (medyo mabenta ang mamang ito) at kinanta ni richard reynoso sa album niya noong 1991. ayon naman kay eric (http://greyone.blogspot.com/2007/02/idilim.html) eh nanalo ito ng ikalawang pwesto sa isang patimpalak. basta ang alam ko, 1994 noong una ko itong napag-aralan, at ito ay ang version ng philippine madrigal singers. yata.
isang tinig ang aking narinig
minsa'y nanaginip ating mundo'y umaawit
isang himig, pag-ibig ang hatid
ang musika'y batid sa bawat puso at isipikaw at ako, tayo ay Pilipino
isang bansa, ba't di magkaisa?
isang dugo, isang lahi at musika
ang pangarap ko'y bansang mapayapaisang tinig ang aking narinig
pag-ibig ang hatid sa bawat puso at isip
isang awit ang aking dalangin
kristiyano at muslim
magkaisa sa awitin
ang galing no? at sa totoo lang, parang hindi lumipas ang panahon. ganito pa rin tayo hanggang ngayon. halos dalawang dekada na, pero ang gulo pa rin ng bansa natin. sana naman ay matuto na tayo sa mga aral na dulot ng kasaysayan. bow.
salamat kay mahalamanda.multiply.com dahil sa kanya ako nakakuha ng kopya ng kanta.
1 comment:
ako rin nung una kong marinig ang kantang to talagang minungkahi ko sa mga klasmeyts ko nung high skul na isali namin ito sa mga awitin namin sa buwan ng wika
Post a Comment