i was having a bad day and this came out. maybe i just needed to get it out of my system. or maybe i needed to see how petty i am about this.
last month, inaya ko yung lunchmate ko sa office na mag-starbucks sa kabilang building. meron kasi akong coupon noon ng "treat-a-friend to a marshmallow mocha" eh sayang naman kung di ko magagamit di ba? kaya ayun, after namin kainin yung mga baon naming lunch eh lumabas kami para makapag-lakad-lakad naman.
nung nakahanap na kami ng upuan (office building yon kaya mabenta sya pag lunch break), shempre kuwentuhan muna. ewan ko ba pano napunta yung usapan sa mga lakad, basta nagkagulatan na lang kami na halos pareho pala kami ng sitwasyon. yup, bukod sa pareho kaming 27 at never pang nagka-boyfriend (hah kala ko ako lang), nai-ugat namin ito dahil sa ugali ng pamilya namin. yup, pareho kaming ulirang anak na takusa.
hindi ko naman sinasabi na bahay lang kami. hindi naman kami pinagbabawalan talaga lumabas, na parang si rapunzel na nakakulong lang sa tore. tulad nya, me kotse naman sya at ok lang magpagabi sya ng uwi. ako naman, nung dito pa ako nakatira sa manila pinapayagan naman akong magpalipas dito ng friday at sa sabado na lang uuwi. o kaya kung me tatagpuin akong kaibigan after office, ok rin lang. pero sa kabila nito, parang hirap na hirap kami (for lack of a better description) na magpaalam pag me lakad.
kunyari nung high school. isa sa mga tandang-tanda ko noon eh yung para akong nagtatago at nakikipagsapalaran pag kasama ko yung mga kabarkada ko. kahit ginagabi akong umuwi dahil sa glee club, pag inabot ako ng 5.45 na nakikipagkwentuhan lang sa grounds eh kung anu-ano na ang naiisip kong sermon sa kin. ewan ko nga kung bakit nagagawa nung ibang bata non na mag-overnight eh, samantalang ako sobrang kinukonsyensya.
at hindi natapos sa high school yon. lalo na po nung college, para tuloy lagi akong labas sa mga usapan dahil hindi ako basta makagimik. inggit na inggit ako sa mga ka-org ko na sobrang mag-bonding, palibhasa malayo sila sa magulang nila. buti nga pinayagan pa kong mag-org eh. pero nung minsang mag-sem ender kami sa calatagan, may narinig ako later on na na-realize ko hindi pala sila whole-hearted na payag. hah! non ko nga lang ginawa yon eh, me kasama pa nga kaming mga prof at pamilyadong brod at sis. tapos na nga exams ko non, looking forward to summer practicum na. kainis di ba.
maalala ko yang practicum na yan. nong nag-fill out ako ng UPCAT form, tinanong ko yung nanay ko kung ano'ng first choice ko, kung diliman tapos lb, or lb tapos visayas. although nung time na yon, desidido talaga ako na mag-lb kasi desidido na rin ako sa applied math. hindi naman sa pagmamayabang, pero kung pinili ko siguro mag ECE sa diliman noon eh papasa rin pala ang UPG ko. shempre gusto ko rin maniguro di ba, me mga batchmate nga ako nag-visayas ng 1 year tapos tsaka bumalik ng lb. sabi ba naman sakin, wag na daw ako mag-2nd choice! at eto pa, papayagan lang daw nila ako mag-diliman kunyari kung 1-2 sems lang or summer. ayun, nangyari nga practicum lang ako nakaranas mag-boarding house. dun pa sa kaopisina ng nanay ko.
naalala ko yung laging tanong sa kin nung isang bestfriend ko nung di pa kami madalas magkita. pag kinakamusta nya yung lovelife ko at sasabihin kong "ganun pa rin," aba, mega react sha. bakit? wala ka bang nakikilala? wala ba sa opisina nyo? ok ka naman ah, blah blah blah. haaaay, sa totoo lang nakakarindi! e pano ba ako magkaka-love life, opisina-bahay lang ako nun. hindi ako niyayaya gumimik ng mga kaopisina ko dahil mahirap umuwi, malayo. yung mga barkada ko rin, kailangan planado kung kanino ako makikitulog. pano ka naman magiging close sa mga tao nyan, o kaya makakilala ng ibang tao? kaya tuloy nung nag-dorm ako dito sa manila, hanap ako ng hanap ng gimik.
e ngayon. matapos kong mag-enjoy ng tatlong taon dito sa manila, balik na naman ako sa bahay namin. pahirapan na naman. buti nga ngayon 9 na ang last trip sa landmark, at least pwede naman akong mag-dinner man lang. pag nahuli pa rin, antayin ko na yung 10.30 galing sa cubao. pero sa totoo lang, nakakapagod rin yon. at shempre, nakakatakot. kung kasabay ko naman yung tita ko, mamadaliin naman akong umuwi kasi nakikisabay lang ako. kaya nga madalas nagpapaiwan na lang ako kasi nakakasawa rin masermunan pag napag-aantay ko sila.
so ano bang point nito? wala, nagrereklamo lang ako. kung tutuusin, napaka-petty lang naman ng reklamo ko eh. hindi naman talaga tayo nabuhay para gumimik araw-araw di ba. kaya lang shempre, kung ano yung wala sa yo yun ang lagi mong hinahanap. eh ako pa naman, parang sobrang sensitive ako pag pinag-usapan yung pagkakaroon ng barkada. basta maramdaman ko na hindi ako "in", sobrang apektado ako. kaya tuloy pag di ako nakakasama sa mga lakad, or pipiliin ko na lang na huwag sumama, umaabot talaga sa point na masama ang loob ko.
minsan tuloy naiisip ko hanggang kailan ako susunod sa pamilya ko. sa ngayon, me katwiran naman talaga kasi dependent pa rin ako sa kanila. tsaka dahil na rin sa pagmamahal ko sa kanila, hinahayaan ko rin na masunod ko ang gusto nila. lalo na ngayon, ginusto ko rin na umuwi na sa bahay kasi ayoko dumating yung araw na magsisisi ako na hindi ko napagsilbihan yung lola ko. marami na akong naging desisyon na dahil sa pamilya. ganon naman talaga di ba? madalas nga, yung mga simpleng bagay di ko na pinaaabot pa sa kanila. ako na mismo ang nagse-censor ng ano pa ang makakarating sa kanila.
pero sa totoo lang, ang hirap matutong maging independent pag lahat ng tao me pakialam sa yo.
No comments:
Post a Comment