Tuesday, August 23, 2005

all or nothing

kahapon nag-kwentuhan kami ni lei sa ym. wala lang, nagsasayang lang ako ng oras sa internet sa bahay. shempre napunta na naman ang usapan sa love life (san pa nga ba?) at ang masasabi ko lang ay... hayyyyy.



bakit nga ba nahihirapan ako sa love life ko? masyado bang mataas ang expectations ko? lagi na lang kasing meron akong makikilala na akala ko pwede na, pero patutunayan ng magdadaang panahon na wala pala akong binatbat. eh kasi parang ako na lang lagi ang nagkakagusto. sa tingin ko ok lang naman ako, pero sa tinagal-tagal ng panahon eh magtatanong ka na talaga kung ano ba'ng wala sa kin. ang labo kasi. siguro iba rin yung nararamdaman nung mga taong lagi na lang nasasaktan sa mga relasyon nila. pero buti pa nga sila naranasan nila na merong nagpahalaga sa kanila. ako, wala. well, hindi naman sa totally wala, pero lam nyo na ibig kong sabihin.

hindi ko rin maintindihan yung gusto mo yung tao pero hanggang don ka na lang. ako kasi kung gusto ko yung tao... hindi ko naman liligawan kasi conservative ako. pero ganon. siguro tama nga yung sabi nung mga kaibigan kong lalaki (tsaka nung mga regular audience ko dito) na pag talagang gusto ng lalaki eh liligawan talaga nya. ang lagay pala, if ever me gusto man sa kin sino man dun sa mga lekat na taong yon eh hindi nila ako ganon ka-gusto. ang sad di ba, parang lugi ako lagi. siguro nga hindi sila yung para sa akin, pero tulad nga ng sabi ko kanina, sa tagal ng panahon eh mag-iisip ka na talaga.

ako lang ba talaga yung me problema? siguro nga nag-e-expect din ako. pero ganun yata talaga ako eh. kasi nangyari na rin sa kin na hindi ko talaga gusto yung nagkagusto sa kin, kahit anong sabihin mo eh ayaw ko talaga. hindi ako pwedeng pilitin. at talagang iiwasan ko yon. hindi na rin siguro ganon ka-drastic ang reaction ko pero palagay ko hindi pa rin ako mapipilit. so pag gusto ko, gusto ko talaga. to the point na rin siguro na hindi na ako pragmatic mag-isip. at ang matindi, dun na lang iikot ang mundo ko.

ano na ba'ng gagawin ko? masaya nga ang buhay, enjoy, pero laging me kulang. usually kung sino man yung pinagtutuunan ko ng atensyon, pag wala sya lagi na lang kulang. kailangan ba talaga maranasan ko na magmahal talaga, yung hindi naghahanap ng kapalit? siguro nga puro selfish yung nararamdaman ko sa ibang tao. kasi hindi ko pa rin binibigay yung lahat kung alam ko na hindi ako papansinin. siguro pag alam kong hindi ako papansinin, pipigilan ko na lang para hindi ako mag-expect lalo, pero feeling ko naman ako yung may kulang...

6 comments:

Anonymous said...

1. roge left...
Wednesday, 24 August 2005 1:17 am
girlaloo, you need God in your life...badly! when Jesus' love fills your heart, you wouldn't want or long for anything else. His love is more than enough for all of us...trust me on this one :)

Anonymous said...

2. ferris left...
Wednesday, 24 August 2005 8:42 am
hmmm... alam mong mayroon ding nagpapansin sa iyo dati, at sa kasamaang palad ay naramdaman din ang nararamdaman mo ngayon (hehehe). seriously, wala kang mali, wala ring kulang sa iyo. hindi mo pa lang nakikita ang taong magmamahal sa iyo, ng tunay, ng higit pa sa pagmamahal mo. dumaan na din ako jan, alam mo yan, ilang beses na rin akong nabigo sa pag-ibig. pero umayaw ba ako? hindi, kasi alam kong sa susunod, makikita ko rin ang taong para sa akin. sa ngayon, i-enjoy mo lang. kagaya nga ng sinasabi ko sayo, kawalan nila iyon. hindi lang nila alam kung gaano ka ka-wonderful na tao. tama na ang pag-iisip. sa sobrang pag-iisip nawawala ang exciting, ang saya. live life, man!

Anonymous said...

3. ferris left...
Wednesday, 24 August 2005 8:46 am
excitement pala un. haha!

Anonymous said...

4. CNBGirl left...
Monday, 29 August 2005 6:38 pm
yeah, tama si ferris. meron guys na baliktad sa situation mo. sila naman ang nde mo napapansin.

and - ddy - dadating din yun. :D

Anonymous said...

5. nicole left...
Sunday, 4 September 2005 10:23 pm
my thoughts exactly, me and my friend were discussing about it the other night parang kung minsan iniisip ko na ako yung may diperensya hindi sila, oh well, just take it one day at a time :D

take care! nicole

Anonymous said...

6. emmerdale left...
Monday, 5 September 2005 12:35 am
yep, roge, i am still on that road towards my faith. have you read the book when god writes your love story? i have and i realize that i really have no control over what's in store for me. but it's hard not to think of god in terms of sunday service and prayer time, it's hard to let him take over even if i do leave a lot of my decisions to him. but hey, we're all struggling and we're finding our way, and i think all paths lead to him eventually.

as for the other thing, you guys have always told me i'm great just as i am, so thanks. maybe soon i'll start believing that for real. hehehe.